Martes, Marso 22, 2011

Ang talambuhay ni Lady Grace Dela Cruz

         Ako si  Lady Grace Amatos Dela Cruz,Ipinanganak Noong 25, 1994 sa 070 St.8 Brgy.San Gabriel  S.P.C. Sa piling ng aking lolo at lola na sina Armando at Christina.Lumalo man ako sa tabi ng iba hindi sila nagkulang ng pag-aalaga at pagmamahal sa akin.Sila ang nagturo ng napakaraming bagay sa akin.Sila ang naghubog sa akin sa tamang kaisipan.Laki man sa lolo at lola ko hindi ko kinalimutan na may mga magulang din ako,di tumagal at nakakaisip na rin ako at nagkakaroon ng pangsariling pangangatuwiran.Hindi nagtagal kinailangan ko na umuwi sa bahay namin sa paranaque para doon mag-aral.

                                         

noong ako ay baby pa

noong pasko


      Pumasok ako ng kinder sa sampaloc site 2 sa edad na 5 taon dahil iba sa nakasanayan ko ang mga taong nakapaligid at ibang lugar ang aking ginagalawan tumagal ang mga pang-yayari pag may bakasyon o mahalagang  ocation nauwi kame sa probinsya kung saan ako lumaki  at pag pasokan na kailangan ko nang bumalik sa paranyaque at mag intay ulit sa susunod n bakasyon...pinkikilala ko nga pala ang aking mga magulang na sina Arnold at Emelita dela cruz at ang aking mga kapatid na sina regine,chisthotel,kristhel grace at si lourence...na tapos ako ng elementarya napaulit-ulit lng ang nangyayari....


mga barkada ko
                                                                                               



                     Tumuntong ako nang high school sa edad na 11...nung una nakakakaba pero marunong naman ako makisama kaya di ako na hirapan ...sa king unang taon sa high school masarap maging Freshmen ,,di naman teror ang mga teacher, kailangan lang  magpakabait.. nag karoon ako nang mga kaibigan etc......wala naman gaanong mangyari bukod sa pag gagala .....
               Ang ikalawang taon ay medyo may thrill na; madami nang kabarkada na nkakasamang tumambay sa SM,,, kumain sa food court ,maglaro sa quantum..hangang sa matapos ang taon
           






lola,lolo at tita
                                                                                             


   Ang aking ikatlong  taon  ang diko malilimutan ,dito ko natutunan ang lahat nang mga masasamang ginagawa at mga bisyong na umpisahan sempre mas gugustohin mong pumunta sa lugar na walang bawal kasama ang mga kaibigan...Mas maganda at masaya ang madaming kaibigan yung halos di mabilang... Maraming makikilala kung madami kang kakilala na ranasan kong dumayo sa silberyo kasama ang mga kaibigan,,,san antonio hanggang sa laspinyas.,,tramo uno ,,evacom. at umuwi nang gabi makasama lang sa mga kaibigan ....hangang napansin kong paulit-ulit lng ang nangyayari.......tumigil ako at nangakong itatama ang lahat simulanun hindi na ako pumasok pero nagpapakita ako sa aking mga kaibigan............sa lahat nang kaibigan ko nung junior pa ako ,,salamat sa mga araw na nakasama ko sila madami akong na tutuhan dahil sa kanila..
           pumasok ako nang junior sa ikalawang pagkakataon para itama ang mga mali kong nagawa...

noong x-mas party








     
                kinailangan kong umalis sa paranaque at bumalik sa lugar kung saan ako lumaki nakilala ko ang mga kaibigang isaisa ring nawala hangang kame nalang ni roselyn ang natira pero dumating si princess,pipoy,ronald,raymond,raydan sila ang nkakasama ko maghapon sa mga kalokohan  msasabi ko na pinakamasa ya ang SINIOR life kahit lagi kameng suki nang faculty at madalas naghahabol nang grade ,...masasabi ko ito ang pinakamasayang yugto nang aking buhay sa high school


4th yr js from
                                                                                
                                                                                        


       

Linggo, Pebrero 27, 2011

ANG TALAMBUHAY NI PRINCESS SHAIRA BABIANO

ang aking ina.


noong ako'y bata pa.

               Ako si PRINCESS SHAIRA CORVERA BABIANO ipinanganak noong MAY 17,1995 sa Barangay Quipot, Tiaong, Quezon. Lumaki ako sa Quipot kasama ko ang aking buong pamilya na nag-alaga at nagpalaki sakin. Sila rin ang nagturo sakin ng bawat bagay sa mundo hanggang sa ako ay umabot sa ika lima (5) taon. Apat kaming magkakapatid ako at sina Pearl Jam, Precious Jewel at Pamela Angelica. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Ang sumunod sa akin ay 2nd year high school ang sunod ay dalawang elementary. Ang pangalan ng aking mama ay si Bernardita Corvera Babiano siya ay apatnaput isang gulang at ang papa ko ay si Roger Fernandez Babiano siya ay tatlongput anim na gulang
Nuong ako’y limang taon palang natutong mag tungga at bumili ng mga Candy sa tindahan. Na tutong makipag laro sa mga bata, tuwing nag lalaro ako lagi akong nadadapa pero lagi naman akong nabangon sa pinagdapaan ko. Nung tumuntong ako nang Kinder natuto naman ako magbasa at magsulat. Ang saya nang aking magulang nung naging BEAUTY QUEEN ako noong MARCH 28 1999 tapos naka graduate ako nang kinder.
    

                                                  

               Tumuntong na ako nang Elementarya, duon natuto na rin ako gumala at noon lagi na rin ako napapagalitan ng aking magulang dahil sa mga kakulitan ko nung bata, madalas di ko pa maintindihan ang mga bagay at sitwasyon na kahit mga magulang ko di masabi at mapaliwanag siguro nga dahil bata pa ko na wala pang kinalaman at walang sapat na karunungan para maintindihan ang lahat nang bagay .
Sa awa naman nang diyos ang aking mga magulang ay nakapag ibang bansa hanggang ngayon, pero ang aking papa ay umuwi na nuong February 08, 2011 na ngayon si papa ay walang trabahong makuha pero si papa ay may na ipundar na gamit na dalawang cellphone at isang laptop na ngayon ang laptop ay na ibenta na dahil na ubos ang aming budget nang isang buwan.
                                        


                                 
         Noong Grade 4 ako hindi ko malilimutan nung nag spirit of the glass kames a likod nang h-e room sa school namen nang Elementarya.. Pagkatapos namen noon ay hinimatay ang klasmate ko noon tapos mga isang linggo nag laro kame nang sipa nang mga klasmate ko tapos naka basag kame noon ng isang bintana sa room namen… Tapos nag karoon nang swimming kames a Laiya Batangas kasama ang barkada nina mama at papa pati mga anak nila ..
Ang pinakamasaya ay nung nag spin the bottle kame nang mga anak nila tapos nag kaalaman kame nang mga ayaw namen at gusto sa isat-isa……





kami ng aking ina at kapatidan.






         Noong graduation ko noong grade 6 ako inihatid ako ni mama sa upuan at noong umakyat na ako sa stage para kumuha nang Deploma ay tuwang tuwa ako kc hindi ko akalain na gagraduate ko dahil ang baba nang aking mga grade sa “CARD” , Nag kahanda pa ako nung graduation ko kahit konti lang ang handa namen isang tulyaseng pansit lang pero pinamahagi namen sa lahat nang tao ditto sa bahay namen..Tapos dumating ang mga kumpare at kumara nina mama at papa tapos nag inuman sila nuong gabi na ginawang pulutan ang pansit ang gara nga nila eh.. pag katapos nung araw na yun, Nag swimming kami noon sa D-J resort nung birthday ko kasama ko ang mga pinsan kong lalake ay nanghihigit nang mga paa sa ilalim nang tubig…


        Ang pinaka masaya ay nung aquatance namen nung high school 1st year ako nag papractice
kame nang sayaw noon natisod ako sa harap ni ma’am kaya yun ang paa ko sulo,, ay nung nag swimming ulit kames a Laiya Batangas kasama ulit namen ang mga barkada nina mama at papa,
gumawa kame nang bundok dun sa tabi nang dagat at nilagyan namen nang tubig ang loob nang bundok tapus nilagyan namen nang jellyfish nung wala kameng magawa nagtaklob kame nang buhangin tapus nagpapicture kame kay mama ,ang itim ko noon kasi ilang beses na kameng nag swimming …..

        Ang pinakamasaya ay nung bumabagyo pumasok ang tubig sa loob n aming bahay tapus ang bubong namen ay nilipad sa kabilang bakod tapus ang yero namen ay butas pa at ang daming pang butas kaya yun parang pool an gaming bahay tapus nagpapatakan ang mga mangang hinog habang naglilimas kame ng tubig nakain kame nang mangang hinog.. Ang hindi ko malilimutan noong pumunta kames a ilog para kumuha nang magugulay para sa tanghalian
Ang kasama ko ay ang pinsan ko sina Harold, Arbin, at Hardie, at nag gawa sila nang balsa para makapag lamo kame at para hindi kame mabasa pero sa hindi inaasahan ay nasira ang balsa habang ginagmit namen tapus nahulog ang dala nilang itak kinuha ni arbin tapus tumabinge ang balsa tapus nahulog ako sa balsa una ang ulo muntik pa ako ma lunod kung di lang nila ako sinagip,,tawa pa ako nang tawa nung nahulog ako..




        Nung 2nd year na ako madame akong mga bagong kaibigan tapus may naka away pa kame na 4th year isinumbong kame nang mga 4th year sa adviser namen pero sila pa ang napagalitan nang adviser namen tapus sabi samen nang mga yun may araw din daw kame sa kanila ,ang dame kong nakilalang bagong kaibigan noon simula 1st hangang 3rd year sa Recto Memorial National High School,,ang pinakamasaya ay nuong pirmahan nang clearance dahil ang daming pinahirapan na studyante .
                                                                        
           Ang lahat nang kwento ko nung high school ay masasaya at handing hindi ko makakalimutan ang high school life. Nag trancefer ako nung 4th year sa Dizon High madame rin akong nkilala ay ang mga friend ko ngayun sina Lady, Wena, Brion, Raymon, Raydan Bennet, Binito, Marry Grace, Lhea, Charisa, lHen, Ronalyn, jhon poul at si Tita aje’h etc….




3rd yaer JS.



        Ang masaya ay nuong J-S from namen nung 3rd year ang una at huli ko nung kasayaw ay si Ariel Fresto siya ay 4-f ako ay 4-h ngayun taon masaya kasi yun ay party-party ,tapus ang J-S namen ngayun ay masaya din kasi hindi ko nakita si Michel nung J-S kasi siya ang panira nang buong araw ko sa dizon..

4th year JS.

        Ang damit namen noon ay Hawain style ang saya nung tumugtug nang waka-waka ang gulo namen pati adviser namen pasaway, ang saya manghigit nang teacher nung gabing iyon tapus yung iba kong klasmate ay puro tulog na pero walang basagan nang trip..

        Nakakatuwa ako kahit panay kabulastugan ako sa school hindi ko akalain na ilang buwan nalang ay gagraduate na ako.................

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Ang Talambuhay Ni Rachelle Amo

Ang aking kapatid at pamangkin
Ako si rachelle amo ipinanganak ako noong ika 31 ng disyembre 1993 ang pangalan ng aking mga magulang ay rafael contreras amo at shirley bundalian amo,ang hanapbuhay ng aking ama ay ang pag kakampitero at ang aking ina naman ay nagtitinda ng laruan sampu kaming mag kakapatid.
Noong ako ay bata ay napaka likot ko daw at masayahin at malakas ang loob noong ako ay puamsok ng nang unang antas ng elementarya ehh di unang araw pasukan inihatid ako ng mama ko tapos sa mga sumunod na araw  ay hindi nako hinahatid dahil kasabay ko naman ang ate at kuya ko na sina isabel at rady,ang saya nung akoy grade 1 kase ang bait ng guro ko na si mam castillo kasi tuwing hapon naglilinis kami ng silid aralan namin ngunit pagkatapos nun ay naglalaro kami ng paltok bola o kaya sipa bola naawa ako noon kay mam castillo kasi siya ung nag aalaga sa kanyang mama dahil may sakit ito pero matanda na rin si mam ay wala pang asawatapos namantay ung kanyang ina mula noon lagi ng nakitim na damit si mam pero kahit ganon nananatili parin siyang masaya.
Ang aking kaibigan
noong akoy nasa ikalawang antas ng elementarya ang saya kasi lagi ako nag lalaro ng habulan teks piko taguan at langit lupa tandang tanda ko pa noon habang akoy nag lalaro ng habulan ay tinawag ako ni mam vicente upang magbunot sa kanya ng puti at pag katapus ko mag bunot ng puti ay binigyan ako ng mani tag pipiso sa paninda namin sa kantina, sobrang saya talaga kase nag ka sabit ako akalain mo masipag ksae ako mag aral noong panahong iyon tuwang tuwa noon ung aking mga magulang pag wala kaming baon sinisiwerte ako ng ate ko kasi nakaksimot kami ng pera at pag nagkataon namang may baon ay ipinatatalo ng kuya sa sugal ang aming baon at ang sasabihin pa samin pag kukuhanin namin ung baon namin sa natatalo ay pala un nawala o nalaglag ang sugal na halos hamandusay nasa sahig sakaka palo tandang tanda ko kodin noon ng pag katapos paluin ni mam ariel ay natulog ito at habang natutulog ay tumutulo ang laway yak lagi din kami nag lilinis ng hardin kasi pagkatapus namin mag linis ay pinamimiryenda kame ni mam ng tinapay at palamig ang sarap.tandang tanda ko talaga noon pag uwi namin ng ate ko sa aming bahay ay lasing nanaman ang papa ko mahilig kasi mag inom ang papa ko. eh di ayon lasing pag katapus namin mag palit ng damit na pang bahay sasa bihin samin ng papa ko hanapin ninnyo ang kuya niyo wagna na wag kayong uuwi na hindi niyo kasama iyon akim naman ng ate ko bandihanap tapos makikita namin ng ate ko nangunguha ng gagamba sasabihin namin sa tatay ko kuya umuwi kana daw sabi ni papa lasing lagut ka ung kuya ko ayaw umuwi kasi nga lasing iyon papa ko. takot kasi kami kay papa pag lasing edi kami dalawa ng ate ko at hindi makakauwi kasi hindi namin kasama pero kahit ganon ang papa ko napaka bait noon.
Ako at ang pamangkin ko
noon ako naman ay nasa ikaapat na antas nanang elementarya ay nasa section pilot B ako napalipat sa pilot A
hindi ko nga alam na ililipat ako ng section kasi pinabasa lang ako ni mam sumague at mam delos reyes pag katapos non pina dala yung bag ko at akuy inilipat n pala sa section pilot A.nung unang araw ko sa section ay nakakapanibago kasi iba na ung mga kahalubilo ko pero nung tumagal tagal ay nag kilala narin kame ng lubusan at nasanay narin ako sa kanila.
noong akoy nasa ikalimang antas na ng elementarye ay dito nag simula na tuksuhin ako o apihin.tandang-tanda ko noon hinampas ako ng aking kamag -aral na si jenilyn catipon ng isang kartolita sa ulo na hindi ko alm ang dahilan kung bakit ako hinampas kasi nag-iigi ako ng type wraiting sa aglit ko noon ay kinalmot sa muka yung
aking kaklase at inaway din ako ng kanyang pinsang mataba sa si grace anne,pinagalitan kame noon ni mam fernandez at kamiy pinarusahan na humasap sa pisara at tumungo doon ng isang oras kinabukasan hindi ako pumasok sa paaralan dahil sa takot na baka pumunta doon yung magulang ng aking kaklase at baka akoy mapagalitan,nung sumunod na arawdi din ako pumasok. noong akatlong araw ako pumasok at nalaman ko  mula sa aking mga kaklase na hinahanap ako ng magulang ni jenilyn catipon, pero hindi na ako lumiban sa klase lahat kaming mag kakaklase ay masayang naglalaro ng puto ng sampalok ang larong ito ay tinatawag na siklot.
ang masayang araw nasa ika anim na antas na ako ng elementaryashit gagraduate na ako ang saya kase naggawa kami ng mga booth tapos may mga tinda kaming saging atbp tapos yun may mga dumating na yung araw ng gradution ang saya lahat kaming magkakaklase nagagalak habang papalapit ng matawag ang aming pangalan pag katapus matawag ung aming pangalan nag kuhanan na ng litrato tapos nag iyakan na kami iyak na iyak di yung aming tagapayo kasi mamimis daw kami tapos nun nag uuwian na.bakasyon palang nagagalak na ako pumasok ng high school habang nag eenrol ako galak na galak ako kahit na ang hirap kasi ang daming nga eenrol siksikan tapos ang init pah
Kapatid ko at pamangkin
eto na araw  ng pasukan nakakagalak kasi ang gusto ko ng malaman kung sino ang magiging guro ko. parang tinamaan ako ng katamaran tapus bumagyo pa bagyong melenyo ata yun nagliparan ang aming bubong nabasa lahat ng aming gamit at gamit namin sa pag aaral kaya yun lalong nawalan nako nga ganang pumasok
habang akuy nasa bahay nakikita ko yung mga pinsan ko napasok tapos ako hindi nakaramdam ako ng inggit tapos dala ng kahirapan nag japan ang ate ko pag uwi niya nag asawa tapos sa kanila ako tumira ayos din naman yung napangasayaw  ng ate ko kasi may kaya.
habang nakatira ako doon nakaranasa ako yung maayos na buhay tapos pinag aral ulit ako ng ate ko naging section 1-N ako ayun inayos ko ung pag aaral ko naging guro ko noon sir lacsam ayos ang grado  ko masaya ako ililipat ako ng ate ko pag pasok ko ng second year dito ako nakakila na bagong kaybigan dito nag simula ang pag liban ko sa klase mag inom at mapatawag ang aking magulang dahil dito bumaba ang grado ko nasa 3rd year na ako konti nalang iyon iba na ulit ang kabarkada ko ang sasalaw ng mga kaklase ko sobra kasi binabadya nila yung guro namin tapos sumali kame sa shindig ang saya kase champion kame san ka pa kaso ang baba habang tumatagal napapansin ko bumaba ang grado ko sumali di ako sa fraternity
Nung field trip namin
eto na 4rt year na ako masaya na mahirap masaya kasi maraming activity gaya ng cheerdance at kahit hindi kame nanalo masaya parin mahirap kase ang daming requirements pero ayos lang naibsanyon nung nag fieldtrip kami ang saya kahit na nakakapagod ang byahe masaya kase ang dami kong nakitang hayop at ang dami kong natutuhan lalo kase kasama ko ang minamahal kong boy friend kong si sidney irvin magtibay kaso may problema ayaw sakin ng magulang niya kase ako ang sinisisi niya sa pag baba ng gardo ng kanyang anak ang sakit nang sinabi niya tapos sinunod ko yung sinabi niya ba itigil muna ung relasyon namin pero pag kalipas ng ilang araw parang hindi ko kaya namawala siya tapos iyon naging kame na ulit pero sa kabila noon tinutulungan ko si sidney mag aral ng mabuti kaya masaya ako ngayon.

Martes, Pebrero 22, 2011

Ang talambuhay ni Lei Ann Dacara



Noong ako'y bata pa!
Grade 5
                     Ako po si lei ann C Dacara ,ipinanganak po ako noong feb.17,1995.Nakatira ako sa San Ignasio San Pablo City .Ang aking magulang ay sina Mary ann Dacara at si Nardito Dacara,may dalawa po akong kapatid nagngangalang Francisco Dacara at Kristyl joy Dacara.

                     Noong pinabubuntis pa ako ng aking ina akala nila na ako ay isang lalaki kaya bumili sila ng damit panlalaki,pero noong habang lumaki ako .noong kinder po ako lagi akong pinapalabas,kasama ng aking kaibigan,kasi sobra daw po ang kulit ko,at noong graduation namin noong kinder.wow napaiyak ako naman ako don .si mama noong grade 1 daw po ako lagi naiyak ako kasi iniiwanan ako don.pati noong may program kasali kami sa program.umiyak na naman ako.dahil nawala sa paningin ko si mama.yun pala ay bumili lang sys ng tubig.napatawa ako bigla noon.
                    
                        Noong ako po ay grade 2-4 ay naglalaro pa kami ng chinese garter .di ko pa kasi alam na bata pa ako noon.tatalon ako noon ay sumabit yoong pants ko tapos nauntog ako.tuloy sa simento at umiyak pa ako.pero yung mga kalaro ko ay pinagtawanan pa ako,nakakasura nga noon,imbis na tulungan nila ako ay tawanan pa sila.yung time po noong valentines day ay may program po sa aming skul.tinawag ako ng titser namin pero handi naman ako kasali sa program noon.    

                       At noong araw nayon ay nilagnat po ako.at pagkatapos noon ay umuwina sila hinatid namin sya sa kanilang bahay  bumalik na kami sa skul.malapit na ang graduation namin.praktis,nakakatuwa.dumating na nga ang inaasaasam naming graduation kaso wala si mama.kaya si papa nalang ang guardian ko.sabi ng titser namin  na lapitan ang mga magulang di ko inaasahan na paiyak ko papa ko dahil niyakap ko,first time.happy ko non.
Ngayong 4th yr

              Bagong kabanatang aking buhay noong 1st year ako nakakatakot kasi daming taong nagpapaenroll, tapos ako lang mag isa nung pasukan,umiyak ako kasi yung kuya ko sa city high napasok,4rth yr.iniwan ako sa trycle,pero natuto na ako noon umuwi.nung second year ako.ang saya saya ko .yun parin ang sekswyon ko. at pasa  naman ako.pero iba iba na ang classmate ko.natutuwa parin ako.

                           Meron kami noon na poging kaklase at crush ko sya.at kinikilig ako pag nakikita ko sya .kaso iba naman crush nya nakakainis .tapos napili pa akong secretary.kahiya kasi lagi akong natayo kapag nag susulat sa pisara.tapos lagi pa akong niloloko.
    
                            Nakakatuwa ako kahit ganon kasi naisip ko na isang year nalang ay ga graduate na ako. maka umaga ay lumabas muna ako sa bahay para bumili ng tinapay para sa aking kapatid dahil nagugutom na sya.at agad naman akong  bumili.tapos pumunta kami sa lake at doon kami namasyal.madaming tao at natutuwa ako dahil madami akong kaibigan na nakilala.at meron pang isang lalaki na humingi ng number ko.pero tahimik lang ako noon kasi nahihiya ako noon.pag dating saamin nagulat ako dahil bnakita ko na maraming handa sa bahay tapos naalala ko na kaarawan ko pala noon.
    
                           Tapos makailang araw ay tahimik ako at nag iisip sa mga pwedeng mangyari sa susunod na araw at sabi ko sa sarili ko na mag aaral akong mabuti para sa ganon ay makatulong ako sa aking mga magulang at alam ko na naghihirap ang mga magulang ko para saakin.
    
                           Meron kaming kaklase na tahimik tapos napagtripan namin at tawa nalang kami ng tawa kasi nagpapatwa si norine sya yung kaibigan ko na maingay at pagkatapos noon ay na gawa na kami ng aming takdang aralin at nagulat kaming lahat kasi biglang lumagapak ang pinto kasi meron kaming kaklase na bargas at meron din kaming kaklase na bakla ang pangalan nya ay weiland.

                            Siya ay laging nananapok at ako lagi ang napapagtripan nya at ako naman ay iyak nalang ng iyak .hanggang sa nakita ako ng aking guro at natuto ako ng magsalita ng totoo at magsumbong at ako parin ang laging mali at nainis ako ng sobra at sa sobrang inis ko ay hindi munu ako pumasok ng isang araw.           

Ang aking mga kaibigan.
                             Noong ako ay 4rth year  nkakilala ako ng mga mabubuting kaibigan, masayang kasama at parati kaming nagtutulungan pag may lecture kami,sabay-sabay kaming kumakain at masayang nagtatawanan sa tapat ng faculty,pag kami ay may activity kming magkakaibigan ay naggagayahan at lalo na pag my assignment kami,  parati kming nagtutulungan pag may kailangan ang isa, may dumating na lalaki sa buhay ko, yun ay si jonas exconde, minahal ko sya, kaso binireak ko sya agad dahil ayaw ng aking mga magulang,  gusto kasi nila na makapag tapos muna ako ng aking pag aaral, para sa aking kinabukasan, dahil sa mabubuti kong kaibigan tinutulungan nila ako sa aming mga lecture, sana makagraduate kaming lahat at makapag tapos ng pag aaral. 

ANG TALAMBUHAY NI HELEN L. HITOSIS

noong ako'y ipanganak
  Ako si Helen L. Hitosis ipinanganak noong Abril 9 taong 1995 ganap na ika siyam ng gabi sa bayan ng San Pablo City. Bunga ng pagsasama nina Ginoong Henry H. Hitosis at Ginang Robelyn D. Lacson. Mula ng gabing ako ay isinilang ako'y inalagaan ng mabuti, pinalaki ng maayos at minahal ng aking mga magulang. Nang ako'y magiisang taong gulang bagamat unang anak pinaghandaan ng mabuti ng aking ama't ina ang pagsapit ng una kong kaarawan at ako'y nasisiyahan dahil kahit maliit lamang na handaan ngunit masaya naman hanggang sa ako'y dalawang taong gulang na tuwang tuwa sa akin ang aking Lolo at Lola dahil ako ay makulit at pilyang bata. Nang ako'y mag tatatlong taon ako'y naiinggit sa aking mga pinsan dahil tuwing sasapit ang pasko sila ay masaya dahil meron silang kapatid kaya't ng tanungin ako ng aking papa kung anung gusto kong regalo sa aking ika-apat na kaarawan ang sinabi ko ay kapatid nagtawanan ang aking ama at ina. Makalipas ang taong iyon ako ay apat na taong gulang na. Nagbuntis ang aking ina at ako'y tuwang tuwa at umuwi kami sa probinsya upang magbakasyon doon at upang mabisita ang aking lolo at lola na doon nakatira. Maraming tao ang natutuwa sa akin kaya't ng sumapit ang Fiesta ng Barangay ako ay kinuha bilang kandidata at maging "Baby Queen" ng kanilang barangay. Ako'y nagkamit ng unang karangalan "1st Princess" tuwang tuwa ang lahat ng nanonood dahil pinasayaw kami at ang aking "escort" na si Bryan Viajedor at makalipas ang ilang araw nagpasya na ang aking ama na umuwi ulit ng Laguna at kami nga'y umuwi . Nanganak ang aking Ina ng sumunod sa akin na pinangalanang Kristine. Lumipas na naman ang isang taon hanggang sa ako'y limang taong gulang na. Ako y pinapasok na ng aking ina bilang day care sa Sta.Cruz, Laguna. Naging kaklasi ko ang aking dalawang pinsan na kaidaran ko lang din na sina Elaine at Marjon. Kming tatlo ang laging magkakasama kaya kahit unang beses ko pa lang ng pag aaral ako ay hindi kinabahan dahil tatlo naman kaming laging magkakasama. At ng sumapit ang Marso sobrang saya ng aming mga magulang dahil ng araw na ng pagbibigay ng karangalan "Graduation Day" kmi ay nakatanggap ng medalya. Kaya naman masaya ang lahat.
noong ako'y makatapos ng day care

      Nang ako'y mag anim na taon ako ay pumasok na sa unang baitang ngunit ang isa naming pinsan na si Elaine ay nag kinder pa kaya naman kami nalang ng isa pa naming pinsan na si Marjon ang naging magkaklase. Lagi kameng hinahatid ng aming mama at kung minsan kami ay sinusundo din ng aming lola ngunit merong isang beses na nag uwian na kami ngunit wala parin ang aming mama ang ginawa ko ay umiyak. Hindi tuloy malaman ng aking pinsan na si Marjon ang gagawin buti nalang at nakita kami ng aming kapitbahay na  si aling Terry dahil sinundo niya rin ang kanyang anak ng grade one. Pagdating namin sa bahay wala ang aking mama at tita. Lumipas ang ilang oras naming paghihintay dumating na ang aking mama, ako at ang aking pinsan ay napagalitan dahil sila ay na Traffic lang kaya't sa susunod daw ang huwag na kaming aalis dahil baka masamang tao ang aming masamahan. Tinandaan naman namin iyon, hanggang sa kami ay makatapos sa unang baitang. Nang ako ay pitong taon, nagpasya na naman ang aking magulang na bumalik ng probinsya  at sa Masbate na ako nakapag aral sa ikalawang baitang. Nasanay na din naman ako kaagad dahil palakaibigan ang mga istudyante doon. Marami kaagad akong naging kaibigan at ang aking pinaka nakasundo ay sina Maria Fe at Nikki. Naging paborito ako ng mga guro dahil mataas ang aking nkukuha sa pag susulit at dahil ako'y transferee lamang  ako pinarangalan lamang ng ikatlong karangalan. At ng araw ng recognition ako ay tumula na ginawa lamang ng aking lola at marami talagang humanga dahil nagawa ko ng maayos kahit sa harapan ng maraming tao. At ng magbakasyon hindi na naman nagka ayos ang aking mga magulang sa pagtira doon. Kaya naman ng ako'y walang taon bumalik na naman kami ng Laguna at sa Elementarya naman ng Pila,Laguna ako nakapag aral ng ikatlong baitang. Nagtayo ang aking papa ng panaderya at tuwing sabado't linggo ako ay tumutulong sa pagtitinda. Masaya naman ako dahil lagi lagi namang pumupunta sa amin ang matalik kong kaibigan na si Richelle at Wendy na mga kaklase ko lang din. Masaya na sana ang buhay namin doon ngunit dumating na naman ang araw na may bumili na ng inuupahan naming lupa. Kaya napilitan na naman kaming lumipat kaya't iyak ng iyak ang aking kaibigan na si Richelle ngunit wala naman akong magagawa sa ayaw man o sa gusto ko lumipat kami ng Sta.Cruz,Laguna. At sa paaralan naman ng Callos ako nag aral ng ikaapat na baitang. Doon narin ipinagpatuloy ang aming panaderya at sa hindi inaasahan naipit ng makina ang kamay ng aking papa. Dinala agad ng aking mga tito at mama sa ospital at ng makauwi hindi na makagawa ng tinapay ang aking papa. At ng lumipas ang ilang linggo, naging maayos na ang kamay ng aking papa. Kinuhana na naman akong kandidata ng tumatakbong konsehal na si mang Anghel . Ako ay nagkamit ng ikalawang karangalan. At ng ako ay dumating sa ikalimang baitang ng pag-aaral ako ay siyam na taon na. Nagtinda nalang ng mga tinapay ang aking mama at papa na galing sa panaderya ng aking tiyahin na kapatid ng aking papa. Kaya sa Sto. Ange Sur Elementary School na ako nakapasok ng ika-limang baitang hanggang ika-anim na baitang . Sobrang saya ng aking pagtatapos ng Elementarya dahil marami akong nakamit na karangalan. Ako ay naging Most Honest, Most Discipline, Most Obedient at Best in Religion. 

noong gumraduate ako ng elementarya

js prominade
     Nang ako ay tumungtong sa unang taon ng sekundarya sa Pedro Guevarra Memorial National High School ako nag aral. At ng ako'y tumungtong sa ikalawang taon ng sekundarya bumalik na naman kami ng Masbate. At dahil malayo ang paaralan ng sekundarya doon sa bahay namin ako ay umupa ng isang rentahang bahay, ako ay iyak ng iyak dahil yoon ang unang beses kung napahiwalay sa aking magulang, ngunit katagalan ako ay nasanay din naman. Dumami ang aking mga kaibigan at kakilala dahil halos naman lahat ng estudyante ang malayo din ang bahay at umuupa lang din. Buti nalang mababait ang nakasama ko sa bahay na aking inuupahan at para nadin kaming magkakapatid doon. At ang pinaka importante sa akin ay ang naging matalik kong kaibigan na si Rachelle Falcon nasa ikaapat na taon na siya noong ako ay ikalawang taon pa lamang. Tinuring niya talaga akong parang tunay na kapatid, tinuring ko din siyang parang isang tunay na ate. Kaming dalawa lang ang nagtutulungan sa mga problema ngunit ng siya ay malapit ng makapag tapos sobrang hirap dahil ako ay maiiwan at siya ay pupunta na ng Maynila. Bago siya magtapos maraming luha ang aming sinayang ngunit masaya narin ako dahil matutupad na niya ang kanyang mga pangarap. Makalipas ang taong iyon ako ay nasa ikatlong taon na. Lumipat ako ng inuupahan at nagkaroon ng panibagong tunay na kaibigan na si Mary Jenalyn Tolentino apo ng may ari ng aming pansamantalang tinitirahan. Napaka bait niya kaya naman magkasundo kami at kapag may handaan sa kanila ako lagi ang kauna unahan niyang iniimbitahan. At ang pinaka masaya ay noong kanyang kaarawan na magkasama kaming nag simba. Kaya't hanggang sa tumungtong ako sa ikaapat na taon ay doon na ako pansamantalang tumira sa kanila. Lagi kaming sabay gumawa ng mga proyekto sa paaralan at mga takdang aralin at kinuha ako ng aming taga payo "adviser" upang ilaban ng "Slogan Making Contest" at sobrang saya dahil hindi sila nabigo dahil ako ay nagkamit ng ikalawang karangalan. Ngunit kahit masaya na ang pangyayari, umalis ang aking ina kaya't nagpasya ang aking ama na bumalik kami ng Laguna at sa paaralan ng Dizon High ako nagpatuloy ng ikalawang markahan sa ikaapat na taon ko sa sekundarya. At ako'y natuwa naman dahil marami kaagad akong nakasundong mag aaral doon at humanga din ako dahil mahusay mag turo ang aking mga guro. 

ngayong ako'y nasa ika apat na taon na sa sekundarya

   Dito na nagtatapos ang kasalukuyan at naghihintay na lamang ako ng aking pagtatapos sa ikaapat na taon ng pag-aaral ko sa sekundarya. 

Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay Ni Magtibay Sidney Irvin""

Ako at ang kuya ko
Ako si sidney irvin R magtibay, ang pangalan ng nanay ko ay si jenny R magtibay
ang pangalan naman ng tatay ko ay gerone S magtibay, Pinanganak ako nung
December 04 1994 nung akuy pinanganakmay dumating na bagyo bebeng at
naisipisip ng nanay ko na ayunang gawin palayaw sakin, anim na taon ako nag
kinder at sa central. ako pumasok ng elementary lagi ang baba ng section ko
nung elementary ako nung grade 1 ako section 7 ako at nung grade 2
natuto n ako magka gusto s babae ang pangalan niya ay antonette P belen at nung
garde 4 ako ang idad ko nun ay 9 nung ginawa ung bahay ng lola nag kami ng
kuya ko dun nung pagtulak sakin ng kuya ko nahiwa ako s yero kaya may hiwa
ako s braso at sabi nung nanay ko dalhin daw ako sa hospital at ipatahi ung hiwa
s braso ko hindi ako pumayag na  ipatahi ung hiwa ko dahil takot ako dati sa mga
turok kaya hanggang ngayon kita pari un pinag hiwaan kya may peklat ako sa braso
at nung grade 5 ako nag ka gusto nanaman ako s klasmate kong babae napaka ganda
Ako at ang kuya ko
niya kase at napaaway di ako nung grade 5 kaklase ko ung nakaaway ko nag panuntok
kame dahil lng sa basura tinatabuy niya kase ang kalat niya sa akin kya hindi n ako
nakapagpigil sinuntok kuna siya sa muka ilang beses ko siya sinuntok sa moka at
dumating ung teacher namin dinala kame s principal office sinabi ko dun na siya ang
una dahil tinataboy niya ung kalat niya sa akin kaya hindi ako nakapag pigil kaya ko
sinuntok sa muka pinatawg ang aming magulang dahil nga dun ang pangalan ng
nakaaway ko ay poul pag katapos kausapin nung prinsipal pinag bati kame at un
huminge siya ng sori kaya pinatawad kuna din siya at pagkatapus namin umawas
Si sidney magtibay
sa schollnag laro kame ng kung ano anong ang nilaro namin ay taguan sipa bola piko
at beng sak araw araw kame naglalaro lalu na pag sabado at linggo at pinaka gusto
kong laro nung bata pa ako ay sipa bola at nung nag grade 6 na ako natuto na ulit
ako mag ka crush sa klasmate ko dahil naging kaklase ko ulit si antonette belen hindi
pa ako maalam mang liga noon dahil bata pa kame sumali ako nung grade 6 ako ng
baseball nag papraktis kame sa oval nagustuhan ko ung larong baseball kaya sumali
ako nung nag paalam ako na sasali ako sa baseball hindi ako pinayagan ng nanay ko
at tatay kaya hindi ako nakasali gustong gusto ko paman sumali sa baseball dahil paburito
ko talaga ang baseball at nung nakatapus na ako ng grade 6 at naka gradwate nako
masayang masaya ako pati ang pamilaya ko at nag swimming kame sa pansol nung mag
papasukan na dapat sa SPC ako papasok ng high school mas gsto ko kase sa dizon kase
may hafday at nung nag enrol na kame nakapag enrol ako at nung nag pasukan na na ang
section ko nung 1st year ay 1-K may nakilala na agad ako at naging kabarkada ko siya
napaaway din ako nung 1st year sinuntok ako sa muka hindi ko naman inaano kay sinutok
kudin siya pinatawag ung aming magulang at nung 2nd year na ako siya ang una kong naging
shota ang pangalan niya ay ariane hindi pa ako hindi pa ako maalam umibig noon lagi un nag
Nung naktapus ako ng grade 6
seselos hindi naman sa mayabang marami kase nag kakagusto sakin kaya lagi siyang nagse
selos at pag monthsary namin binibigyan ko un ng jollibee ang bininigay naman sakin niya ay
teddy bear 1 month and 3 week lang kame nun nakipag break na ako tapus naging syota
ko naman nun ay si vanessa wala pa atang isang buwan nag break na agad kame hindi ko
kase gusto ang ugali at nung naging 3rd year nako lagi kame nun nag cucutting naputa kame
lagi sa bilyaran at lagi kame nadayo doon
at niligawan ko si jestley midina mahal na mahal ako nun lagi niya ako pinapaloadan pinapa
loadan kodin siya mahal ko nun dati si jestley lagi nga ako nag seselos non nagkaka gusto
sa kanya kaya konting ano selos agad ako nung nag monthsary namin ni jestley nag inum
kame ng mga kabarkada ko 1st time ko nun mag inom ang ininum namin nun ay red horse
hindi pa ako nun maalam mag inom noon sinuka kulang ung ininom ko hindi ko hindi ko kase
kaya un...tapus my nahinge ng number ko ang pangalan niya ay brailyn raga na inlove ako sa
kanya kase psg siya eh GF ko nun si jestley at ang sabi ko kay jestley makikipag break nako
kase pinapagalitan ako ng nanay ko wagdaw muna ako mag gf mag aral daw muna ako ayun
ang dahilan ko para mag break na kame tapus niligawan kuna si brailyn isang araw lang kami
na agad sinagut niya agad ako mahal na mahal ko nun si brailyn napaka ganda kase niya at
ang tawagan namin nun ay hon siya ang tawagan isang buwan lang kame nun nag break na
agad kame nakilala ko naman si mae mae. sa batangas siya napasok nauwi lng siya dito sa
tito niya pag sabado at linggo pati bakasyon na inlove kame sa isat isa pinupuntahan ko siya
Nung nag field trip kame

sa batangas pag freeday ako tumgal kame nun ng tatlong buwan at pag tagal tagal nalaman
namin ni mae mae na kinakapatid ko siya hindi kame nun liga kame lang ang nakakaalam  nun
sinabi ng mama ni mae mae na inaanak si mae mae na nanay ko hindi namin alam kung ano
ang gagawin namin kaya napag isip isip namin na mag break na kame iyak na ikyak nun si
mae mae pati ako napaiyak nadin buti nalang maaga pa nalaman na namin at nung naging
4th year nako nakilala ko naman si rachelle amo kinuha ko ang number niya at pag awas
namin nag paload agad ako at itinext kuna siya nililigawan ko siya sa txt ta nag yakag ako
na manood ng sine pumayag namn siya makipag date sakin kaya nung sabado july 25 2010,
sinagut niya ako halus lahat  ng naging GF ko siya lang sineryoso ko kaya hanggang ngayon
siya parin ang GF ko ilang beses nadin kame nag break ni rachelle nakikipag balikan lang
ako dahil mahal na mhal ko lang talaga siya kaya nagiging kame ulit kilala nako ng papa at
mama niya pat mga kapatid at pinsan niya lagi ako napunta sa kanila lagi ko siya binibisita
kaya anim na buwan na kame mahal na mhal din ako ni rachelle at mahal na mhal kudin siya
dito nag tatapus ang aking talambuhay.........

Biyernes, Pebrero 18, 2011

Ang Talambuhay Ni Renato Creer

          Ako si renato creer pinanganak ako noong may 1, 1994 sa manila at ang aking mga magulang ay si menerva creer at lanito creer.

Nung ako ay baby
          Bininyagan ako noong may 4, 1994 sa manila chapel muñoz street at pagkatapos binyagan makalipas ang isang linggo ay pinadala ako ng akin mga tiyahin sa san pablo laguna at doon pinag-aral.

Nung ako ay kinder


Nungako ay kinder
         Pinagaral ako ng aking mga magulang sa san mateo ng kinder I at kinder II nakatpos ako noong 2000 sa san mateo ng kinder.Pumasok ako ng garde I sa san mateo  elementary school at ang hindi ko makakalimutan sa grade I ay hinampas ako sa black board ng akin guro.
        Unang pasokan ng grade II ay mahiyain at palagi ako tahimik dahil mataray ang akin guro at lagi ang mga kaklase ko ay lagi na pipingot ang tenga o kaya ay nahuhubuan.Noong ako ay nagpitong taon gulang ay dumating ang mga tiyo at tiya ko na galing sa taclovan city.Masaya ako dahil noon ko lang sila nakita.
        Noong grade III ako maingay at hindi na ako mahiyain at palagi na ako napapagsabihan ng aking guro.Dahil sa mga barkada ko makukulit at ang hindi ko malilimutan noong ako ay may pasok ay nag punta kami sa labak.Dahil nagpunta kami ay nag-alala ang aming guro.Dahil unang beses ako mag cutting classes pagkatapos naming umuwi ay napagalitan ako ng aking mga tiyahin.Dahil sa nagpunta kami sa labak ng walang paalam.
        Noong ako ay grade IV palagi kami napapagalitan ng aming mga guro.Dahil lagi kaming maingay sa clase at nagwalk out ang aming guro at siya ay nagkasakit ng malubha hindi na sya nakapagturo.Dahil masakitin na siya.May pumalit na guro sa amin at ito ay si mam reyes.Mataray palagi siyang galit sa amin sinali niya ako ng MTAF noong grade IV kaya nahubog ang galing ko sa math kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay palagi akong na ngunguna sa clase.
       Noong bakasyon dito na ako natutong maglaro ng basketball at palagi kaming nangunguna sa liga pagkami ay nagchachampion sa liga ay lagi may swimming kami magkakabarkada.noong kaarawan ko ay pinag swimming kami ng tiya ko sa calaun laguna at hindi ko nmakakalimutan noong malunod ako ng bata pa sinagip ako nag tiyo ko hanggang ngayon ay di ako marunong maglangoy.
        Noong grade VI ako ay may napupusuan na babae na gusto ko n maging GF dahil nasilaw ako sa ganda niya ay nagtuturo pa ang nanay niya ng math sa akin.Dahil gusto ko matututo ng iba't-ibang formula at naging kami ni isay na gf ko at noong kami nagsadula nag iba't-ibang alamat.Dahil napapatawa ako sa aking kaklase na lagi siyang nagkakamali lagi ko siayang sinasalaw ito ay si paul joseph.

Nung ako ay grade six
        Noong graduation namin ay masaya ako dahil lahat kami ay nakagraduate ng elementary noong ay pumunta ang aking lola na nasa manila.Masaya kami nakagraduate ng elementary at pinagiisipan ko na kung saan ako papasok ng high school sa dizon ba o sa annex IV.
       nagswimming kami magkaklase sa calauan laguna at masaya kami palagi kami magkakasama ng mga barkada ko at maayos ang naging swimming namin.
       Noong ako ay first year noong taon 2006-2007 punasok ako nag first year sa annex VI.Wala ako kakilala sa seksyon ko na I-B newton.Palagi akong tahimik at mahiyain ako.Last 3 weeks ay lagi akong tahimik. Mayisa akong nakilala na si carlo lagi ko siyang kasama at doon ko n nakilala ang iba't-ibang kakilala niya palagi kaming nasa computer shop laging cutting clases magkakabarkada at sinabi sa akin ng aking guro ko na tawaging ko ang aking magulang dahil baka daw hindi ako makapasa sa AP.Dahil lagi akong cutting pinagawa ako ng aking guro ng project sa AP nakapasa naman ako sa AP at nakatapos ng first year.
       Noong ako ay tumigil ng second year dahil sa aking mga barkada ko at doon ako natututo ng iba't-ibang bisyo tulad ng sigarilyo at pag-inom ng alak.Nagtrabaho ako sa pag diliver ng uling tuwing lunes hanggang biyernes palagi na ako nagbabasketball tuwing sabado at linggo.
      Pumasok muli ako ng second year noong 2008-2009 sa dizon high wala ako kakilala sa section 2-L.Dahil bumababa ang section ko dahil sa palagi akong cutting.Maingay ang mga kaklase ko at masalaw ang mga ito.Una kong nakilala ang pinaka masalaw sa klase dito natutunan ang masamang bisyo tulad ng sigarilyo.Ang di ko malilimutan ay makipag away ang aking kaklase sa mga fraternity.Natatakot ako noon  kase napakarami ng mga ito.Naayos naman ito ng kanyang mga tiyo.Palagi din ako nasa computer shop kasama ang barkada ko.Ang di ko malilimutan guro ay si mam perez digna.dahil lagi siya natitinda ng iba't-ibang paninda paayos naman ang grade ko at tumaas ang section ko.

Nung ako ay binata
       Noong 3rd year ay section 3-I ako nakilala ko ang barkada ni MA na si jonas exconde naging barkada ko siya at palagi kami nagaasaran kami at nakilala ko ang masalaw sa aming section na si vice or marvin velasco siya ang pinaka maasbag sa aning section. Ang hindi ko makakalimutan ay si muñoz at peter allias buaya at unggoy lagi ko silang kasama sa tawanan,harutan,asaran at iba pa.Kami ang laging kinayayamutan ni mam reyes dahil lagi kami nasipol sa klase niya o nagpapaputok ng piccolo sa CR na iguidace kaming boong section ng 3-I.Ang hindi ko malilimutan ay nahuli kami ni mam juquin na nagkokodiko sa klase niya kami ni muñoz ay pinatawag ang aming magulang.
      Noong 2010 ay nag JS kami magkakabarkada masaya at maganda ang JS.Mahiyain pa ako noong kase 3 year lang kami iilan lang ang naisayaw ko noon ang pinaka masalaw ay si lontok at peter sila ang pinaka masalaw noong JS ng 3rd year.noong kami nagswimming magkaklase sa star lake masaya at maayos ang naging swimmiung namin lalo na nang dumating sila peter at vice.Ang masaya dahil na doon ang masalaw at maingay.

Nung ako ay nag fieldtrip

      Noong ako  ay 4th year ay hindi na ako mahiyain ngayon sa 4-H lagi na mumuno sa maingay lalo na sa kaklase ko na si muñoz at peter.Ang di ko makakalimutan ang nagfield trip kami magkaklase masaya kami lahat sayang lang di nakasama si muñoz.Ang ko makakalimutan ang maghiwa-hiwalay kami magkaklase sa mall of asia.Kami lang ni peter ang makasama tinatamad na akong mamasyal dahil masakit na ang paa ko magkasama  kami ni peter n pumunta sa bus namin.
     ngayon feruary 11 ay dinaos ang JS namin  Ang pinaka masaya araw ko kase hindi na ako mahiyain at lagi  na akong nakikipag sayaw sa mga babae at ang pinakamasaya ngayon dinaos na JS ay sinayaw ko ang mga klase mate ni templo na dati kong barkada ito ang pinakamasaya JS sa buhay ko.