|
noong ako'y ipanganak |
Ako si Helen L. Hitosis ipinanganak noong Abril 9 taong 1995 ganap na ika siyam ng gabi sa bayan ng San Pablo City. Bunga ng pagsasama nina Ginoong Henry H. Hitosis at Ginang Robelyn D. Lacson. Mula ng gabing ako ay isinilang ako'y inalagaan ng mabuti, pinalaki ng maayos at minahal ng aking mga magulang. Nang ako'y magiisang taong gulang bagamat unang anak pinaghandaan ng mabuti ng aking ama't ina ang pagsapit ng una kong kaarawan at ako'y nasisiyahan dahil kahit maliit lamang na handaan ngunit masaya naman hanggang sa ako'y dalawang taong gulang na tuwang tuwa sa akin ang aking Lolo at Lola dahil ako ay makulit at pilyang bata. Nang ako'y mag tatatlong taon ako'y naiinggit sa aking mga pinsan dahil tuwing sasapit ang pasko sila ay masaya dahil meron silang kapatid kaya't ng tanungin ako ng aking papa kung anung gusto kong regalo sa aking ika-apat na kaarawan ang sinabi ko ay kapatid nagtawanan ang aking ama at ina. Makalipas ang taong iyon ako ay apat na taong gulang na. Nagbuntis ang aking ina at ako'y tuwang tuwa at umuwi kami sa probinsya upang magbakasyon doon at upang mabisita ang aking lolo at lola na doon nakatira. Maraming tao ang natutuwa sa akin kaya't ng sumapit ang Fiesta ng Barangay ako ay kinuha bilang kandidata at maging "Baby Queen" ng kanilang barangay. Ako'y nagkamit ng unang karangalan "1st Princess" tuwang tuwa ang lahat ng nanonood dahil pinasayaw kami at ang aking "escort" na si Bryan Viajedor at makalipas ang ilang araw nagpasya na ang aking ama na umuwi ulit ng Laguna at kami nga'y umuwi . Nanganak ang aking Ina ng sumunod sa akin na pinangalanang Kristine. Lumipas na naman ang isang taon hanggang sa ako'y limang taong gulang na. Ako y pinapasok na ng aking ina bilang day care sa Sta.Cruz, Laguna. Naging kaklasi ko ang aking dalawang pinsan na kaidaran ko lang din na sina Elaine at Marjon. Kming tatlo ang laging magkakasama kaya kahit unang beses ko pa lang ng pag aaral ako ay hindi kinabahan dahil tatlo naman kaming laging magkakasama. At ng sumapit ang Marso sobrang saya ng aming mga magulang dahil ng araw na ng pagbibigay ng karangalan "Graduation Day" kmi ay nakatanggap ng medalya. Kaya naman masaya ang lahat.
|
noong ako'y makatapos ng day care |
Nang ako'y mag anim na taon ako ay pumasok na sa unang baitang ngunit ang isa naming pinsan na si Elaine ay nag kinder pa kaya naman kami nalang ng isa pa naming pinsan na si Marjon ang naging magkaklase. Lagi kameng hinahatid ng aming mama at kung minsan kami ay sinusundo din ng aming lola ngunit merong isang beses na nag uwian na kami ngunit wala parin ang aming mama ang ginawa ko ay umiyak. Hindi tuloy malaman ng aking pinsan na si Marjon ang gagawin buti nalang at nakita kami ng aming kapitbahay na si aling Terry dahil sinundo niya rin ang kanyang anak ng grade one. Pagdating namin sa bahay wala ang aking mama at tita. Lumipas ang ilang oras naming paghihintay dumating na ang aking mama, ako at ang aking pinsan ay napagalitan dahil sila ay na Traffic lang kaya't sa susunod daw ang huwag na kaming aalis dahil baka masamang tao ang aming masamahan. Tinandaan naman namin iyon, hanggang sa kami ay makatapos sa unang baitang. Nang ako ay pitong taon, nagpasya na naman ang aking magulang na bumalik ng probinsya at sa Masbate na ako nakapag aral sa ikalawang baitang. Nasanay na din naman ako kaagad dahil palakaibigan ang mga istudyante doon. Marami kaagad akong naging kaibigan at ang aking pinaka nakasundo ay sina Maria Fe at Nikki. Naging paborito ako ng mga guro dahil mataas ang aking nkukuha sa pag susulit at dahil ako'y transferee lamang ako pinarangalan lamang ng ikatlong karangalan. At ng araw ng recognition ako ay tumula na ginawa lamang ng aking lola at marami talagang humanga dahil nagawa ko ng maayos kahit sa harapan ng maraming tao. At ng magbakasyon hindi na naman nagka ayos ang aking mga magulang sa pagtira doon. Kaya naman ng ako'y walang taon bumalik na naman kami ng Laguna at sa Elementarya naman ng Pila,Laguna ako nakapag aral ng ikatlong baitang. Nagtayo ang aking papa ng panaderya at tuwing sabado't linggo ako ay tumutulong sa pagtitinda. Masaya naman ako dahil lagi lagi namang pumupunta sa amin ang matalik kong kaibigan na si Richelle at Wendy na mga kaklase ko lang din. Masaya na sana ang buhay namin doon ngunit dumating na naman ang araw na may bumili na ng inuupahan naming lupa. Kaya napilitan na naman kaming lumipat kaya't iyak ng iyak ang aking kaibigan na si Richelle ngunit wala naman akong magagawa sa ayaw man o sa gusto ko lumipat kami ng Sta.Cruz,Laguna. At sa paaralan naman ng Callos ako nag aral ng ikaapat na baitang. Doon narin ipinagpatuloy ang aming panaderya at sa hindi inaasahan naipit ng makina ang kamay ng aking papa. Dinala agad ng aking mga tito at mama sa ospital at ng makauwi hindi na makagawa ng tinapay ang aking papa. At ng lumipas ang ilang linggo, naging maayos na ang kamay ng aking papa. Kinuhana na naman akong kandidata ng tumatakbong konsehal na si mang Anghel . Ako ay nagkamit ng ikalawang karangalan. At ng ako ay dumating sa ikalimang baitang ng pag-aaral ako ay siyam na taon na. Nagtinda nalang ng mga tinapay ang aking mama at papa na galing sa panaderya ng aking tiyahin na kapatid ng aking papa. Kaya sa Sto. Ange Sur Elementary School na ako nakapasok ng ika-limang baitang hanggang ika-anim na baitang . Sobrang saya ng aking pagtatapos ng Elementarya dahil marami akong nakamit na karangalan. Ako ay naging Most Honest, Most Discipline, Most Obedient at Best in Religion.
|
noong gumraduate ako ng elementarya |
|
js prominade |
Nang ako ay tumungtong sa unang taon ng sekundarya sa Pedro Guevarra Memorial National High School ako nag aral. At ng ako'y tumungtong sa ikalawang taon ng sekundarya bumalik na naman kami ng Masbate. At dahil malayo ang paaralan ng sekundarya doon sa bahay namin ako ay umupa ng isang rentahang bahay, ako ay iyak ng iyak dahil yoon ang unang beses kung napahiwalay sa aking magulang, ngunit katagalan ako ay nasanay din naman. Dumami ang aking mga kaibigan at kakilala dahil halos naman lahat ng estudyante ang malayo din ang bahay at umuupa lang din. Buti nalang mababait ang nakasama ko sa bahay na aking inuupahan at para nadin kaming magkakapatid doon. At ang pinaka importante sa akin ay ang naging matalik kong kaibigan na si Rachelle Falcon nasa ikaapat na taon na siya noong ako ay ikalawang taon pa lamang. Tinuring niya talaga akong parang tunay na kapatid, tinuring ko din siyang parang isang tunay na ate. Kaming dalawa lang ang nagtutulungan sa mga problema ngunit ng siya ay malapit ng makapag tapos sobrang hirap dahil ako ay maiiwan at siya ay pupunta na ng Maynila. Bago siya magtapos maraming luha ang aming sinayang ngunit masaya narin ako dahil matutupad na niya ang kanyang mga pangarap. Makalipas ang taong iyon ako ay nasa ikatlong taon na. Lumipat ako ng inuupahan at nagkaroon ng panibagong tunay na kaibigan na si Mary Jenalyn Tolentino apo ng may ari ng aming pansamantalang tinitirahan. Napaka bait niya kaya naman magkasundo kami at kapag may handaan sa kanila ako lagi ang kauna unahan niyang iniimbitahan. At ang pinaka masaya ay noong kanyang kaarawan na magkasama kaming nag simba. Kaya't hanggang sa tumungtong ako sa ikaapat na taon ay doon na ako pansamantalang tumira sa kanila. Lagi kaming sabay gumawa ng mga proyekto sa paaralan at mga takdang aralin at kinuha ako ng aming taga payo "adviser" upang ilaban ng "Slogan Making Contest" at sobrang saya dahil hindi sila nabigo dahil ako ay nagkamit ng ikalawang karangalan. Ngunit kahit masaya na ang pangyayari, umalis ang aking ina kaya't nagpasya ang aking ama na bumalik kami ng Laguna at sa paaralan ng Dizon High ako nagpatuloy ng ikalawang markahan sa ikaapat na taon ko sa sekundarya. At ako'y natuwa naman dahil marami kaagad akong nakasundong mag aaral doon at humanga din ako dahil mahusay mag turo ang aking mga guro.
|
ngayong ako'y nasa ika apat na taon na sa sekundarya |
Dito na nagtatapos ang kasalukuyan at naghihintay na lamang ako ng aking pagtatapos sa ikaapat na taon ng pag-aaral ko sa sekundarya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento